OK Lang: Isang Tula (It's OK: A Poem)
OK lang
Ngayong hindi ka na isa
May ka-isa ka na
Ba-bye na sa akin
Hello na sa Kan’ya
May ka-isa ka na
Ba-bye na sa akin
Hello na sa Kan’ya
OK lang
Magkita man tayo
Madalang na
Dahil mayro’n ka na’ng iba
Ako nama’y bahala na
OK lang
Ma-mimiss kita
Ma-mimiss mo rin naman ako
Pero 'di bale
Mahalaga’y Nandito pa rin ako
OK lang
Pagbabago ng buhay
Gan’yan talaga
Misteryo ng buhay
H’wag mabahala
ako pa ri’y kalakbay
OK lang
Sa umpisa manimbang
H’wag mag-alinlangan
Pamilyang bubuuin
Unahing isipin
OK lang
Aking maiintindihan
Kundi man masilayan
Gaya Nang nakasanayan
Pag-aari na ni kamahalan
OK lang
Nagampanan mo naman
Kasiyahan ni Ama sa kalangitan
Sa iyong bagong tahanan
Iba na ang katungkulan
OK lang
H’wag Mong kalimutan
Ang mahalaga sa lahat
H’wag mawalan ng pag-asa
Kung hindi na kaya
Kay Kristo ipagawa
Kaya …
OK lang.


Comments
Post a Comment