Paano Kung Wala Na Ako?
Paano kung wala na ako?
Sino na ang magluluto ng kakainin ninyo?
Sino'ng maglilinis ng bahay?
Sino'ng mag-aayos ng gamit sa bahay?
Sino'ng pupulot ng duming iniwan sa sahig?
Sino'ng magliligpit ng iyong kinainan?
Sino'ng magdidilig ng mga halaman?
Sa araw-araw na may ipis sa sahig,
sino na ang magwawalis.
Ang bubuwit na namatay, mangangamoy balang araw.
Sino na ang maghahanap, itatapon at maglilinis ng lugar ng kaniyang inuuran?
Sa tuwing may tubong aapaw o 'di aagos,
sino na ang magkukumpuni?
Tuwing babara ang daluyan ng tubig,
sino na ang aayos?
Isama mo na ang kableng sala-salabat,
Sa simpleng solusyon, aking hinaharap.
Ako ang inyong cook, cleaner, domestic helper, gardener, tubero, bantay sa bahay at kung anu-ano pa.
Pasalamat kayo nagagawa ninyo anumang nais n'yo.
Maglalakwatsa kung kailang ninyo gusto.
Samantalang ako, pagkakataon kong asikasuhin ang sarili ko, 'di ko magawa.
Kung kailan kayo narito, para maka-alis ako, lalayas naman kayo.

Comments
Post a Comment