Life or Money? Buhay o Pera? Anong Pipiliin Mo?

Buhay o pera? Ano ang pipiliin mo? Halimbawang mag-agaw-buhay ang mahal mo sa buhay at kailangang ma-ospital. Saan mo siya dadalhin: sa mumurahing ospital na walang sapat na kakayahan sa kaso ng iyong mahal sa buhay o sa mamahaling ospital na alam mong maililigtas ang mahal mo sa buhay? Ano ang iyong isasa-alang-alang: pera o buhay?

Naospital si kuya. Hindi siya dinala sa magandang ospital dahil ika ng pamilya niya, malaking pera ang gugulin nila sa pambayad. Mas pinahalagahan nila ang pera kaysa buhay. Kung tutuusin, maraming pera si kuya. Kaya niyang magbayad ng isang milyon kahit sa MakatiMed pa siya dinala. Malaki rin ang coverage ng health card niya. Kaya nagtataka kami kung bakit ayaw ng anak niya na dalhin siya sa mas mainam na ospital. Dahil ba sa galit nila nang matuklasan nila na may anak sa labas si kuya?

Mas pinili nila ang pera kaysa buhay. Ika-28 ng Setyembre, binawian ng buhay si kuya. Kung tutuusin, mild case lang ang COVID ni kuya pero inabot siya ng 22 araw sa ospital hanggang sa mag-kritikal siya. 'Yung pamankin ko nga, kritikal ang kaso ng COVID niya nang dalhin namin sa MakatiMed. Sa akala naming 'di niya kakayanin, pero nakaligtas siya sa loob lamang ng isang linggo. Walang dalawang linggo, nakalabas siya agad ng ospital.

When you choose money over life, God takes life and leaves you nothing. When you choose life over money, God gives LIFE, and then PROVIDES everything. GOD knows what you need even before you ask for it.

Sad to say, ngayon nagpapasasa ang pamilya ni kuya sa malaking pera at ari-arian na iniwan niya sa kaniyang pamilya. May dalawang bahay sila na dati'y wala. Tapos sila ng edukasyon nang dahil kay kuya. Hindi nila nakita ang kabutihang ginawa ni kuya. Galit ang umiral sa kanila dahil sa pagkakaroon nila ng kapatid sa labas.

Si Nanay ang nagtaguyod kay kuya pero 'ni minsan, hindi nakaranas si Nanay ng kasaganahan mula kay kuya.

Comments

Popular Posts